MANILA, Philippines — Mahigit 1,800 dokumentong ebidensya kabilang ang mga bank at insurance records ang nakahandang iprisinta ng prosecution panel sa ilalim ng Article II (unexplained wealth) laban kay Vice President Sara Duterte sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Senate impeachment court sa susunod na linggo.
Itinakda ng korte ang pagmamarka ng ebidensya sa Miyerkules at Huwebes, Setyembre 9–10, habang suspendido ang trial sa Setyembre 9 at magbabalik sa Lunes, Setyembre 14.
'There are over 1,800 exhibits, documents that were submitted under the subpoenas released by this court,' pahayag ni prosecutor Atty. Chel Diokno mula Akbayan Partylist.
Dagdag pa ni Diokno, buong araw ng Miyerkules at posibleng pati Huwebes at Biyernes ang ilalaan para sa marking ng mga dokumento. Pinahintulutan ito ni Presiding Officer Sen. Chiz Escudero, na nagsabing ang Biyernes ay nakalaan sa deliberasyon sa pambansang pondo.
Samantala, pumayag ang defense team ni VP Duterte sa iskedyul ngunit iginiit ni Atty. Michael Poa na kulang ang oras para pag-aralan ang napakalaking volume ng ebidensya. Nais umano nilang mabigyan ng 15 araw sa ilalim ng Rule 26, Section 2 ng korte.
(0)Comments