'Bulalot' o bulalo na may balut, paldo ang kita sa Bulacan

'Bulalot' o bulalo na may balut, paldo ang kita sa Bulacan
View on original source
Category: Entertainment
Share
Archive
Like
Perfect ngayong tag-ulan ang mainit na bulalo, na may lamang gulay, laman at bone marrow at malasang sabaw. Pero ang isang kainan sa Malolos, Bulacan, may masarap na twist sa bulalo dahil sinamahan pa nila ito ng balut. Sa nakaraaang episode ng 'Pera Paraan,' itinampok ang Zhig's Bulalord Restobar na pagmamay-ari ni Jenalyn Aya at kaniyang mga kaibigan. Nagsimula lang sila sa isang simpleng food cart, kung saan puwedeng kumain ang mga customer sa isang mesa. Ngunit kapag umuulan, wala rin silang benta. Ito raw ang naging trigger point para maghanap na sila ng sariling puwesto. Isang buwan pa lang matapos na buksan ang kanilang puwesto, maganda na agad ang balik sa kanila ng kainan. 'Convenient po na may sariling puwesto na may bubong. Anytime, puwede pong pumunta 'yung customer. And hindi po kami magko-close kasi po we can accommodate them dito nang hindi sila nababasa. And may enjoy nila 'yung food,' ani Jenalyn. Ang sikreto ng kanilang bulalo, nasa overload na sahog at malasang sabaw. Lulutuin ang nasa 10 kilos na laman, at halos 4 kilos na taba sa isang malaking kaldero kasama ng mga sahog. Pakukuluan ang sabaw sa loob ng apat hanggang limang oras para mas lumabas ang lasa ng karne. Maaaring solo o panggrupo hanggang limang tao ang serving ng 'bulalot,' na may gulay, karne, bone marrow at siyempre, balut. Mas sulit pa, dahil may kasama itong unli sabaw, unli rice at may soft drinks pa. Mabibili ng P195 ang solo order ng bulalot, habang P710 naman ang pangmaramihan. Bago ang produktong bulalo, beef pares muna ang unang ibinenta na magkakaibigang Jenalyn, Jessica at Raymond, na sinimulan nila sa puhunang P80,000. Nagpagawa sila ng sariling rolling food cart para rito at pumuwesto sa sidewalk katabi ng iba pang kainan. Gayunman, dumanas sila sa pagsubok dahil marami nang kakumpitensya sa Malolos. Dahil palugi na ang paresan, nag-isip sila ng paraan para iligtas ang negosyo. Matapos makapag-ipon at makahanap ng puwesto, nag-level up din sila ng kanilang menu Bawat araw, nakauubos sila ng nasa 200 piraso ng bone marrow at halos 100 piraso ng balot. Kumikita sila ng six digits na net income kada buwan. Para kay Jenayln, malaking tulong sa paglago ng negosyo ang iisang goal nilang magkakaibigan, na magtagumpay nang sama-sama. 'Nakakatulong sila sa family nila. Napoprovide nila 'yung mga needs. Kailangan lang ng trust and then communication para maging successful po 'yung business. Kailangan ang pag-usapan e kung paano ma-improve 'yung business, mapapalago,' sabi ni Jenalyn. – FRJ GMA News

(0)Comments

 

A note on cookies

Newshunt uses essential cookies to keep you signed in and to remember your language and country, so the site works the way you expect. With your permission, we'd also like to use analytics cookies to understand how people use Newshunt and improve it over time.

Accepting only affects analytics. To learn more, view our Privacy Policy or Terms & Conditions.