MANILA, Philippines — Sinuspinde ng impeachment court ang paglilitis ngayong Setyembre 9 upang bigyang-daan ang pagmamarka ng mga exhibit para sa susunod na Article of Impeachment.
Inihayag ni Senator-judge Francis 'Chiz' Escudero ang desisyon sa ika-23 araw ng trial matapos humiling ang prosekusyon ng oras para sa pagmamarka ng kanilang exhibit para sa Article II na may kinalaman sa umano'y unexplained wealth ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, inaprubahan ng Senado ang bagong iskedyul para sa impeachment trial, session, at budget hearing sa Setyembre, Oktubre, at Nobyembre.
Walang impeachment trial mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 8 dahil sa budget deliberations at paghahanda ng Senado para sa pambansang badyet 2027.
Sa pagbabalik sa Nobyembre 9, ayon kay Escudero, ay nakatuon muna sa budget floor deliberations sa loob ng dalawang linggo.
(0)Comments