4-anyos bata pinatay sa saksak ng sariling ina

4-anyos bata pinatay sa saksak ng sariling ina
View on original source
Category: Politics
Share
Archive
Like
MANILA, Philippines — Isang 4-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos siyang pagsasaksakin ng kanyang ina sa kanilang bahay sa Barangay Surgui 1st, Camiling, Tarlac noong Linggo ng umaga. Itinago ang biktima sa pangalang Junjun, na nagtamo ng saksak sa leeg at iba pang bahagi ng katawan. Sa report ni P/Lt. Col. Elogio Lamqui III, acting Chief ng Camiling Muni­cipal Police Station (MPS), alas-11:00 ng­ ­umaga ay kauuwi lang mula sa trabaho ang ama at nagtaka ito dahil walang tao sa bahay. 'Naglakad nang kaunti itong tatay at nakita niya nga itong kanyang anak na duguan at natakpan ng kumot sa tabi ng kanilang bahay,' ayon kay Lamqui. Dinala ng ama ang anak sa loob ng kanilang bahay kung saan naabutan niya ang kanyang misis at nang makita siya ay agad itong kumaripas ng takbo. Kaagad na humingi ng tulong ang ama sa mga opisyal ng barangay, na siya namang tumawag sa mga pulis. Sa pahayag ng 8-anyos na panganay na anak ng mag-asawa na inutusan siya ng kaniyang ina na bumili sa tindahan na hindi kalayuan sa kanilang bahay. Pagbalik nito ay nasaksihang pinagsasaksak ng kanilang ina ang kaniyang kapatid kaya nagtatakbo ito at nagtungo sa bahay ng kanilang kapitbahay. Ayon sa asawa ng suspek, may problema umano sa pag-iisip ang kanyang misis ngunit hindi pa ito napapa­tingin sa ­espesyalista dahil sa kakulangan nila sa pera. Nasakote naman ng pulisya sa isinagawang follow-up operations ang nasabing ginang na nagtatago malapit sa kanilang tahanan at nahaharap sa kasong ­parricide.

(0)Comments

 

A note on cookies

Newshunt uses essential cookies to keep you signed in and to remember your language and country, so the site works the way you expect. With your permission, we'd also like to use analytics cookies to understand how people use Newshunt and improve it over time.

Accepting only affects analytics. To learn more, view our Privacy Policy or Terms & Conditions.