Jonvic kay Sara: Patunayan ang harassment!

Jonvic kay Sara: Patunayan ang harassment!
View on original source
Category: Politics
Share
Archive
Like
MANILA, Philippines — Hinamon ni Interior and Local ­Government Secretary Jonvic Remulla si Vice President Sara Duterte na patunayan nito ang harassment ng Philippine National Police (PNP) mula 2024 hanggang sa panahong ipinaaaresto siya ng korte sa kasong grave threats. Sinabi ni Remulla sa pulong balitaan sa Camp Crame, na batay sa ulat ng ­Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dumaan sa tamang ­proseso ang pag-aresto sa Bise Presidente. Ayon kay Remulla, dokumentado ang proseso ng pag-aresto at ibinigay sa kanya ang karampatang kortesiya bilang ikalawa sa pinakamataas na opisyal ng bansa. Hindi umano nila alam kung ano ang basehan ng Bise Presidente sa kanyang mga paratang. Minarapat ding ihain ang warrant of arrest sa tanggapan nito at maayos ding inihain ang warrant sa kaniyang bahay ng mga pulis na walang armas at ng mga babaeng tauhan ng CIDG. Aniya, tila 'drama' ang nais ng Bise Presidente at gusto nitong makita siya ng publiko na nakakulong sa likod ng rehas na aniya'y hindi naman na kailangan lalo't bailable naman ang kanyang kaso.

(0)Comments

 

A note on cookies

Newshunt uses essential cookies to keep you signed in and to remember your language and country, so the site works the way you expect. With your permission, we'd also like to use analytics cookies to understand how people use Newshunt and improve it over time.

Accepting only affects analytics. To learn more, view our Privacy Policy or Terms & Conditions.