JA

James Tolosa

Target ng dayuhang manipulasyon

Image
Sa gitna ng patuloy na pagbabago sapandaigdigang politika, muling lumulutang ang usapin ng terorismo at kung paanong ginagamit itong mga makapangyarihang bansa bilangkasangkapan para sa kanilang interes. Sa mga dokumentong lumabas kamakailan, malinaw ang paratang na ang Estados Unidos at ilang kaalyado nito ay nagpapatupad ng doblengpamantayan o 'double standard' sa tinatawagnilang 'giyera kontra terorismo.' Sa halip na tuluyang sugpuin, may mgapagkakataong sila pa raw ang nagbibigay ng puwang sa mga grupong ekstremista upang mulingmagre-group at makapagsagawa ng operasyon. Para sa Pilipinas, ang ganitong senaryo ay hindilamang usaping panlabas. Ang ating bansa ay matagal nang nakikita bilang transit hub ng ilegalna kalakalan—mula sa droga, armas, hanggang samigrasyon. Dahil dito, nagiging mas madali ang pagpasok ng mga banyagang terorista sa ating mga lalawigan, lalo na sa Mindanao. Ang pagbabalik ng mgadating kasapi ng ISIS mula sa Middle East patungong Asya ay isa pang banta na hindi dapatipagsawalang-bahala. Ang paggamit ng pekengdokumento at mga ruta sa Turkey ay patunay napatuloy ang galaw ng mga grupong ito. Sa Mindanao, nananatiling aktibo ang Daulah Islamiyah-Hassan Group. Sa kabila ng pagkakapatay sa ilang lider, nakapagpapatuloy silasa pamamagitan ng rekrutment sa social media at paggamit pa ng makabagong teknolohiya gaya ng AI. Ang mas nakababahala, ayon sa ulat, ay tila hindilubos na ibinabahagi ng U.S. at Israel ang kanilangkaranasan sa counter-terrorism. Sa halip, ipinipilitnila ang sistemang sila ang may kontrol, na nag-iiwan sa Pilipinas sa alanganin. Sa gitna ng lahat ng ito, mahalagang tandaan naang pulitika sa rehiyon ay hindi hiwalay sa usapingseguridad. Sa Bangsamoro Autonomous Region—bagama't maraming beses nang ipinagpaliban—magaganap na ang kauna-unahang parliamentary elections sa darating na September 14. Ito'y masusing minamatyagan ng international community, at tiyak na magiging bahagi ng mas malawak na diskurso hinggil sa kapangyarihan, impluwensiya, at seguridad sa Mindanao. Ang hamon ngayon sa pamahalaan ay magingmalinaw sa publiko: hindi dapat maging kampoang Pilipinas ng mga 'teroristang pang-eksport.' Kung hindi, malalagay sa alanganin ang atingreputasyon sa Asya at sa buong mundo. Sa panahon ng globalisasyon, ang bawat kilos ng ating pamahalaan ay may kaakibat na epekto hindilamang sa loob ng bansa kundi sa buong rehiyon. Ang Pilipinas ay dapat pumili—mananatili batayong tagasunod sa dikta ng mga banyaga, o tatayo bilang bansang may sariling paninindiganlaban sa terorismo at manipulasyon?
Target ng dayuhang manipulasyon
View on original source
Share
Archive
Like

(0)Comments

 

Related Opinion

A note on cookies

Newshunt uses essential cookies to keep you signed in and to remember your language and country, so the site works the way you expect. With your permission, we'd also like to use analytics cookies to understand how people use Newshunt and improve it over time.

Accepting only affects analytics. To learn more, view our Privacy Policy or Terms & Conditions.